|
State of the Nation Address of Pres. Benigno S. Aquino III (transcript) |
|
Issues
|
(Transcribed by abs-cbnNEWS. com)
Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;
Mga minamahal kong kababayan:
Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.
Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; at pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.
Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.
Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.
Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.
Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.
Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan lang natin ng 45.1 billion pesos.
Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.
|
|
Read more...
|
|
Blogs
|
Noong unang panahon, bago pa man malikha ang sanlibutan ay may dalawang ita na pagala gala sa kadiliman at sa kawalan..
Dahil sa sila ay walang makita, wala rin silang magawa at dahil wala silang magawa, di nila alam kung kelan titigil o kelan magsisimula.
Sa kadiliman ng di mawaring kawalan, may naulinigan silang mahiwagang boses…..LET THERE BE LIGHT!! Sa isang iglap, ay biglang lumiwanag ang paligid at sa wakas ay natuwa sila dahil nakita na nila ang isa’t-isa. Ikaw ba yung nagsalita? tanong ng isang ita. Hindi ako yun! sagot naman ng isa. Naisip nila, SINO KAYA YUN?
|
|
Read more...
|
|